COVID-19 cases tumaas QC HEALTH PROTOCOLS HINIGPITAN

IPINAG-UTOS ni Quezon City Mayor Joy Belmonte sa city’s health department, law and safety enforcement teams at mga barangay na palakasin ang kanilang pagsisikap sa pagtitiyak na maipatutupad ang lahat ng health protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa lahat ng panahon sa buong lungsod.

Ang panawagan ni Belmonte ay matapos malaman na ang positive cases ng siyudad ay mabilis na dumarami sa nakalipas na dalawang linggo.

“We have observed that the public is becoming lax in taking COVID precautions. But we’d like to remind them that the virus is still very much in our midst, and this could possibly include a number of its variants. This is no time to relax,” ani Belmonte.

Ang lungsod ay nakapagtala ng 7 percent increase sa kanilang active cases, umabot sa 1,007 cases ang naitala noong Pebrero 26 kung ikukumpara sa 945 cases noong Pebrero 12.

Giit ng alkalde, ang minimum health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face masks, paghuhugas ng mga kamay at pag-iwas sa malalaking pagtitipon ay nananatiling mahalaga para sa pag-iwas sa pagkalat ng virus.

“The local government will distribute face masks once again to all barangays especially for our indigent residents,” dagdag pa ni Belmonte.

Samantala, sinabi ni Dr. Rolando Cruz, chief ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU), ang siyudad ay nakasalalay sa kanilang mas maagang pagtuklas ng mga pinaghihinalaang pinagmumulan ng kumpol na mga kaso sa komunidad, pati na rin ang pagpapatupad ng mabilisang localized lockdowns.

“But we are also looking into rapidly rolling out COVID vaccines once they become available,” ani Cruz.

Kasabay nito, sinabi Cruz na ang health department ay nagrekomenda ng paglalagay ng karagdang vaccination sites sa pinaka-apektadong mga barangay.

Ang local government kamakailan ay may natukoy na kabuuang 26 inoculation sites na strategically placed sa lahat ng mga lugar sa nasabing siyudad. (JOEL O. AMONGO)

167

Related posts

Leave a Comment