LUMUBO sa 798 ang active cases sa COVID-19 sa mga lungsod ng Malabon, Navotas at Valenzuela noong Pebrero 25.
Isa ang binawian ng buhay sa Navotas City, ito ang ika-190 pandemic fatality sa lungsod kung saan 5,955 na ang tinamaan ng COVID-29 at 56,527 ang gumaling at 238 ang active cases.
Sa lungsod naman ng Valenzuela ay sumipa sa 287 ang active cases matapos na 119 ang magpositibo sa swab test.
Umakyat na sa 10,013 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod kung saan 9,452 na ang gumaling at 274 ang namatay.
Ayon naman sa Malabon City Health Department, dalawa ang nadagdag na confirmed cases sa naturang araw at sa kabuuan ay 6,745 na ang positive cases sa lungsod at 273 ang active cases.
Ang mga bagong kaso ay naitala mula sa Barangays Longos (1) at Panghulo (1).
Sa kabilang banda, 17 pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Ang mga ito ay mula sa Barangays Longos (11), San Agustin (1), Tinajeros (2) at Tonsuya (3).
Sa kabuuan ay nasa 6,220 ang recovered patients ng siyudad habang 252 ang COVID death toll. (ALAIN AJERO)
287 