COVID-19 CASES TUMAAS SA 8 LUNGSOD NG NCR

INIHAYAG ng Department of Health (DOH) na tumaas ang mga kaso ng COVID-19 sa walong syudad sa National Capital Region (NCR).

Ang mga ito ay ang Pasay, Makati, Las Piñas, Malabon, Pasig, Navotas, Valenzuela at Maynila, pahayag ng DOH nitong Martes.

Mayroong labing-anim na lungsod at isang munisipalidad ang NCR.

Ayon sa DOH, nakitaan ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 ang walong lungsod.

Ngunit hindi kasing taas ng mga kaso ng COVID-19 noong nakaraang mga linggo.

Inihayag ni Dr. Alethea de Guzman, ng DOH-Epidemiology Bureau, ang “Healthcare Utilization Zone” (HUZ) ng walong syudad ay nananatiling ligtas sa kabila ng pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Nananatili sa “general community quarantine” (GCQ) ang buong NCR. (MARINHEL T. BADILLA)

 

210

Related posts

Leave a Comment