COVID-19 kumalat sa probinsya RAPID TEST SA LSIs SABLAY

HINDI lang sa rapid test dapat isailalim ang mga Local Stranded Individual (LSI) kundi sa confirmatory polymerase chain reaction (PCR) bago payagan ang mga ito na bumalik sa kanilang probinsya.

Ito ang panawagan ni Iligan City Rep. Frederick Siao sa Inter-Agency Task Force (IATF) COVID-19 matapos lumala ang kaso ng virus sa mga probinsya nang pauwiin ang mga LSI.

Ayon sa mambabatas, maraming LSIs ang nagnegatibo sa rapid test test subalit pagdating sa probinsya ay nagpositibo ang mga ito sa COVID-19 matapos sumailalim sa CPR.

“There have been cases where LSIs who tested negative in prior rapid tests turned out positive during and after the required 14-day quarantine period and, eventually, turned out positive in subsequent confirmatory swab tests, thus, contributing to the rapid rise of positive cases within these localities,” anang mambabatas.

Sa ngayon ay dumami na ang COVID-19 cases sa mga probinsya lalo sa Visayas at Mindanao na isinisisi ng ilan sa mga LSI dahil rapid test lang ang ginawa sa mga ito bago pinayagang umuwi.

Dahil dito, kailangang baguhin aniya ang patakaran sa pagpapauwi sa LSIs upang mapigilan ang lalo pang pagkalat ng virus sa mga probinsya lalo na’t hindi handa ang mga ito sa ganitong kaso dahil sa kakulangan ng mga pasilidad hindi tulad sa Metro Manila na maraming ospital.

Umapela rin ang mambabatas sa national government na igalang ang mga LGU kung kontra ang mga ito sa pagpapauwi sa LSIs na hindi dumadaan sa PCR test dahil may karapatan at tungkulin aniya ang mga ito na protektahan ang kanilang mamamayan.

Maliban dito, dapat aniyang magtayo ang gobyerno ng mga isolation at quarantine facilities sa mga lugar malapit sa airport, pantalan at bus stations na pagdadalhan agad sa mga LSI para sa 14 araw quarantine ngayong tuloy-tuloy ang pagpapauwi sa mga ito. (BERNARD TAGUINOD)

238

Related posts

Leave a Comment