COVID-19 vaccines amoy korapsyon – solons ‘PANDEMIC PROFITEETING’

NANGANGAMOY ‘corruption” ang bibilhing COVID-19 vaccines kaya hinamon ng mga militanteng mambabatas si Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin sa isyung ito ang kanyang galit sa katiwalian.

Sa virtual press conference ng Makabayan bloc sa Kamara kahapon, kapwa sinabi ni Bayan Muna party-list Reps. Carlos Zarate at Ferdinand Gaite na nakaaamoy ang mga ito ng katiwalian sa pagbili ng COVID-19 vaccines.

“Kami ay very much concerned. Etong mga nababalita nitong mga nakaraang araw na parang namamayani ang sinasabi nilang ‘pandemic profiteering sa usapin ng acquisition o procurement ng bakuna,” ani Zarate.

Ginawa ng mambabatas ang pahayag dahil sa mga alegasyon na hind agad isinumite ng gobyerno ang mga dokumentong kailangan ng Pfizer kaya ika-38 ang Pilipinas sa pila para makabili ng bakuna.

Dahil dito mapipilitan umano ang gobyerno na bumili ng mas mahal na bakuna ng Moderna at Sinovac na gawa ng China kumpara sa Pfizer.

“We cannot understand the insistent ng administrasyon na talagang bibilhin ay yung napakamahal na Sinovac vaccine na gawa ng China,” ayon pa kay Zarate bukod sa wala pa umanong report kung gaano kaepektibo ang bakunang gustong bilhin ng gobyerno.

Ang presyo umano ng Moderna ay mahigit P4,000 habang ang Sinovac ay P3,500 habang ang Pfixer vaccine ay P2,300.

“Paulit-ulit na sinasabi ni Duterte na lalabanan ang corruption pero ito na nga sinasabi namin na apparently dito sa vaccine procurement ay nangangamoy corruption,” ayon naman kay Gaite. (BERNARD TAGUINOD)

200

Related posts

Leave a Comment