GENERAL SANTOS CITY – Umabot na sa anim katao ang namatay sa COVID-19 sa lungsod na ito makaraang bawian ng buhay ang isang 68-anyos na lalaki Ayon sa pahayag ni Dexter Forro, barangay administrator, nalagutan ng hininga noong Lunes ang nasabing pasyente dahil sa coronavirus disease.
Batay sa ulat ni Dr. Ruth Camarillo, RHU chief, na-admid sa ospital ang nasabing pasyante noong Agosto 28.
Kaugnay nito, tukoy na rin at kasalukuyang naka-quarantine ang 20 katao na direktang nakasalamuha ng namatay na pasyente gayundin ang secondary contacts nito.
Kasalukuyang ipinatutupad ang emergency lockdown sa Zone 2C, Block 3 sa naturang barangay para sa isasagawang contact tracing na may kaugnayan sa 68-anyos na COVID-19 patient.
Samantala, ang namatay na pasyente ay hindi pa kabilang sa tala ng Department of Health Center for Health Development noong Linggo at inaasahang maidaragdag ang naturang kaso sa case bulletin ng ahensya ngayong araw ng Miyerkoles.
Samantala, nakatakdang tumungo sa Gensan si Defense Secretary Delfin Lorenzana bunsod ng tumataas na kaso ng coronavirus disease sa lungsod. (BONG PAULO)
144
