PATULOY ang paglobo ng kaso ng COVID-19 sa bansa, ayon sa Department of Health.
Sa pinakahuling tala ay may panibagong anim na kaso kaya naman mula sa 187 noong Martes ay tumaas ito sa 193 ngayong Miyerkoles.
May Pitong pasyente naman ang nakarekober habang umabot na sa 14 ang naitalang namatay.
Kasalukuyang nasa ilalim ng enhanced Community Quarantine ang buong Luzon.
Nagdeklara na rin ng State of Calamity sa buong bansa si Pangulong Duterte upang tugunan ang patuloy na pagdami ng nagpopositibo sa naturang sakit. D. ANIN
