HANDANG tumalima ang Department of National Defense at Armed Forces of the Philippines sakaling ipag-utos ng punong ehekutibo o higher political leaders ngbansa na pansamantalang magpatupad ng tigil-putukan sa hanay ng Communist Party of the Philippines-New Peoples Army.
Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, kung nasabi na ito at hiniling ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay wala silang magagawa kundi sundin ito.
Tumanggi nang magkumento pa si Sec. Lorenzana hinggil sa panawagan ng PangulongDuterte na magpatupad ng ceasefire sa gitna ng kinakaharap na national state ofhealth emergency bunsod ng COVID-19.
“Nagsalita na ang Pangulo, nasa NPA na yan. They just ambushed an Army team yesterday in Bicol. The Philippine Army now focus on helping enforced enhancedquarantine, ani Lorenzana.
Gayunman, hindi pa umano nagbigay ng positibong tugon ang hanay ng CPP-NPA hinggil sa nais ng pangulo.
Ayon sa National Democratic Front of the Philippines (NDFP), pag-aaralan muna nila ang hiling ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni NDFP chief political consultant Jose Maria Sison na kailangang magkaroon ng pormal na alok ang pangulo sa pamamagitan ng GRP negotiating panel sa NDFP.
JESSE KABEL
243 