COVID POSITIVITY RATE SUMIRIT SA NAVOTAS

ISA sa siyam na nagpositibo sa COVID 19 sa Navotas City nitong Disyembre 19 ang binawian ng buhay habang siyam din ang gumaling, kasunod nang muling pagtaas ng COVID positivity rate sa 8% mula Disyembre 9-15.

“Kinukumpirma lang po nito ang sinabi ng mga eksperto na tataas ang mga kaso ng COVID-19 ngayong Kapaskuhan,” ani Mayor Toby Tiangco.

“Kaya po hindi tayo nagsasawang magpaalala: mag-ingat at sumunod sa safety measures. Hanggang maaari, gawing online na lang ang mga reunion o party. Napakataas ng posibilidad ng hawaan sa mga pagtitipon. ‘Wag nating hayaan na COVID-19 ang ating pagsasaluhan. Siguruhin po natin na sasalubungin natin ang 2021 nang maayos ang ating kalusugan at buo ang ating pamilya,” dagdag ng alkalde. (ALAIN AJERO)

147

Related posts

Leave a Comment