CRIME GROUP MEMBER PATAY SA BUY-BUST

CAVITE – Patay ang isang hinihinalang miyembro ng Bautista criminal group na sangkot sa panghoholdap at pagnanakaw ng motorsiklo sa lalawigang ito at karatig na mga lugar, makaraang manlaban umano sa buy-bust operation ng mga awtoridad.

Kinilala ang napatay na si Arcie Surin, may live-in partner, ng Brgy. Wawa 2, Rosario, Cavite.

Ayon sa ulat ni P/SSgt. Ellezer Tagalog ng Rosario, Municipal Police Station, dakong alas-7:00 noong Lunes ng gabi, nagkasa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa Brgy. Sapa 3, Rosario, Cavite kung saan target ang suspek.

Pagkaraan ay nakatunog umano ang suspek na pulis ang katransaksyon kaya nanlaban na nagresulta sa kanyang pagkamatay.

Ang Bautista criminal group ay nabuo nina Macris Bautista, Kimwel Legaspi, Jomar Villanueva at Aljon Capiral sa loob ng Cavite City Jail nang makulong ang mga ito sa kasong robbery holdup, pagnanakaw ng motorsiklo, snatching, akyat-bahay at drug pushing, at nang makalaya ay ipinagpatuloy ng grupo ang kanilang ilegal na aktibidad at nag-recruit pa ng mga miyembro.

Sa kabila ng pagkamatay ng kanilang lider na si Macris Bautista sa isang buy-bust operation noong Agosto 5, 2020, ipinagpapatuloy ng mga miyembro ang kanilang ilegal na aktibidad. (SIGFRED ADSUARA)

96

Related posts

Leave a Comment