CRIME INCIDENTS SA METRO MANILA BUMABA NG 23%

NAKAPAGTALA ang Metro Manila ng pagbaba sa crime rate nitong huling tatlong buwan, kumpara sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Base sa crime index na kanilang naitala mula huling linggo ng Nobyembre 2024 hanggang kalagitnaan ng Enero 2025, mas mababa ito ng 23.73 percent.

Ayon sa PNP-National Capital Region Police Office (NCRPO), nakapagtala sila ng 768 index crimes noong nakaraang taon, mas mababa kaysa 1,007 na kaso noong 2023.

Sa kanilang datos, nakumpiska ng NCRPO ang P153.29 milyong halaga ng ilegal na droga at inaresto ang 3,806 suspek mula sa 1,518 anti-illegal drug operations.
Sa operasyon laban sa ilegal na sugal, may kabuuang P928,000 bet money ang nakumpiska.

Bukod dito, 352 katao naman ang naaresto dahil sa ilegal na baril at umabot sa 364 armas ang nakumpiska.

Habang naaresto ang 976 most wanted personalities at 1,190 iba pang wanted na indibidwal.

Samantala, 349,465 ang nahuli dahil sa paglabag sa mga ordinansa sa Metro Manila.

“NCRPO shall consider these initial operational milestones as our motivation to remain committed in performing our mandate of keeping the peace in Metro Manila. With the help of a responsive community, we shall continue with our ‘back to basics’ approach in crime prevention and solution, while fully embracing innovations in law enforcement,” pahayag ni NCRPO chief, PBGen. Anthony Aberin.

Nagpasalamat si PBGen. Anthony Aberin sa suporta ng publiko at binigyang-diin ang kahalagahan ng pagtutulungan ng komunidad sa pagpapanatili ng kapayapaan, gamit ang “back-to-basics” approach. (JESSE KABEL RUIZ)

3

Related posts

Leave a Comment