Ni JOEL O. AMONGO
Sumailalim na sa stage 1 ng Internal Quality Audit ang Bureau of Customs (BOC) – Port of NAIA bilang paghahanda sa kanilang International Organization for Standardization (ISO) certification.
Ipinaliwanag ni MGen. Leandro Loyao III, Interim Internal Quality Management System Office (IIQMSO) Head ang pagkalahatang ideya ng internal audit process at ang halaga nito patungo sa pagkakaroon ng ISO certification.
Inihayag din ni District Collector Carmelita M. Talusan ang kanyang suporta sa paggawa ng audit na isa sa kanyang mga prayoridad bilang pinuno ng BOC – NAIA.
Ang pagiging ISO certified sa lahat ng sangay ng BOC sa buong bansa ay kabilang sa 10-Point Priority Program ni Commissioner Rey Leonardo Guerrero.
Hangad ng pamunuan ng BOC na magawa ang pinakamahusay na kasanayan at magawa ang lahat ng tinatawag na finest standards, endeavors to qualify and be recommended for the next phase, which is the external audit, as a prelude to achieve International Organization for Standardization (ISO) 9001:2015 Certification’.
Kaugnay nito, inaasahan na lalo pang maging mahusay ang kanilang serbisyo upang malagpasan ang monthly target ng BOC-NAIA kasama na ng kanilang partners at stakeholders.
