CYBERCRIMES TALAMAK PA RIN SA NCR

TUMAAS ng 152 porsyento ang cybercrime incidents sa Metro Manila, mula sa 2,477 noong nakaraang taon ay naging 6,250 ang mga insidente sa unang anim na buwan ngayong taon.

Inihayag ni Philippine National Police Anti-Cybercrime Group (PNP-ACG) director Brig. Gen. Sidney Hernia na mas pag-iibayuhin pa nila ang pag-inform sa mamamayan tungkol sa mga scam at internet fraud.

Ayon sa kanya, marami pa rin ang hindi alam ang “click the link” scam na puntirya ang mga mobile wallet at online banking subscriber.

Sa scam na ito, hindi alam ng biktima na kapag pinindot niya ang link, mapupunta ito sa isang site for updating bank details. Kapag nahulog siya sa scheme, malaki ang tyansa na makukuha ng scammer ang mga bank detail, maha-hack ang account, at maita-transfer na ang pera sa ibang account.

Inihayag ni Hernia na kanilang partner ang mga stakeholder at mobile wallet provider sa pagbibigay impormasyon at awareness hinggil sa mga scam.

Pinaalalahanan ang lahat na huwag ipamimigay ang pin at OTP number sa ibang tao upang maiwasan na ma-hack ang mga online bank account at mobile wallet.

Huwag ding buksan ang mga link mula sa mga suspicious email na nagsasabing kailangan ng update mula sa mga bank account at mobile wallet.

Upang makasiguro, magpunta nang personal sa bangko o tawagan ang hotline ng bangko at mobile wallet para sa pag-update ng account.

Tandaan din na mai-block ang mga suspicious email, number, at websites na matatanggap ninyo upang hindi kayo muling ma-contact ng mga scammer.

Pinapayuhan ng mga awtoridad na maging maingat sa talamak pa ring online scams at internet fraud lalo na ngayong nasa krisis pa rin ang ekonomiya ng bansa.

263

Related posts

Leave a Comment