(NI ROSE PULGAR/PHOTO BY KIER CRUZ)
DAAN-DAANG mananakay ang nai-stranded sa daan dahil sa matinding trapik at ilang mga kalsada ay baha bunsod ng walang tigil na pagbugso-bugsong pagbuhas ng ulan sa Biyernes ng maghapon.
Nagmistulang parking area ang ilang pangunahing lansangan ng Metro Manila partikular sa area ng Commonwealth sa Quezon City.
Gayundin sa area ng Maynila lalo na sa kahabaan ng Espana na sa tuwing umuulan ay matindi ang nararanasang baha.
Ayon sa monitor ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metro Base, halos bumper to bumper ang daloy ng trapiko at halos lagpas tuhod ang baha sa mga lasangan.
Hirap na hirap ang mga mananakay sa paghihintay ng kanilang masasakyang pampasaherong jeep at bus.
Upang hindi mahuli sa kanilang pagpasok sa trabaho, na ang iba ay naglakad na lamang sa baha at iba naman ay nagtsagang maghintay nang kanilang masasakyan.
Sa bandang P. Tuazon Boulevard sa Cubao Quezon City may mga kanal na tila iniluluwa na ang tubig na naiipon sa kalsada.
Naging mabigat naman ang daloy ng trapiko sa boundary ng Maynila at Quezon City sa may Welcome Rotonda.
Abot-gutter din ang naranasang baha sa northbound lane ng España Boulevard.
Halos hindi naman gumalaw ang mga sasakyan sa Magsaysay Avenue corner Altura St. Sta. Mesa.
Dulot din ng matinding trapiko, na-stranded din ang ilang commuter sa kahabaan ng Quiapo.
Samantala dahil sa walang tigil na pag-ulan sa area ng Southern, nagkansela ng klase sa mga pribado at pampublikong paaralan sa lahat ng antas kahapon ng umaga.
Halos sabay-sabay na nag-anunsyo ang mga alkalde ng Taguig , Las Pinas, Paranaque, Pasay, Makati at Muntinlupa City na walang pasok sa lahat ng antas.
Maging sa trabaho sa gobyerno ay inianunsyo na wala na rin pasok dahil sa walang tigil malakas na buhos ng ulan.
248