DADALO SA COURT HEARING ITINUMBA

LAGUNA – Patay ang isang lalaki makaraang pagbabarilin ng hindi kilalang suspek habang papunta sa korte sa bayan ng Mabitac upang dumalo sa pagdinig ng kaso sa lalawigang ito, noong Huwebes ng umaga.

Kinilala ang biktimang si Fidel Aday Valentin, idineklarang dead on arrival sa Laguna Provincial Hospital sa bayan ng Sta. Cruz dahil sa dalawang tama ng bala ng .45 kalibreng baril.

Batay sa report ng Sta. Maria Police, kaangkas ng biktima sa motorsiklo ang kanyang asawa at patungo sa Municipal Trial Court sa bayan ng Mabitac upang dumalo sa pagdinig ng kasong unjust vexation, nang harangin ito ng suspek sa national road sa Barangay Talangka at pinagbabaril.

Agad ding tumakas ang suspek matapos ang pamamaril at umangkas sa isang naghihintay na motorsiklo.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad at inaalam ang posibleng motibo sa krimen at kung sino ang suspek. (NILOU DEL CARMEN)

386

Related posts

Leave a Comment