DAVAO – Nadakip sa magkahiwalay na military-police operation ang dalawang mataas na lider ng New People’s Army Davao Region, ayon sa ulat ng PNP nitong Biyernes.
Ayon sa police report, unang nahuli si alyas Daryl sa Brgy. Tubaon sa bayan ng Tarragona, Davao Oriental.
Sumunod na nahulog sa inilatag na dragnet operation si alyas Dante Dodong Abella sa Brgy. Sto. Niño, sa bayan ng Talaingod, Davao del Norte.
Si Daryl ay tumatayong team leader ng Pulang Bagani Command 8 (PBC8), Western Guerilla Front 8 (WGF18) Terser Baking.
May nakabinbing attempted homicide case sa korte si Daryl sa Mati, Davao Oriental habang nahaharap sa kasong murder at double attempted murder si Abella na vice commander naman ng Guerilla Front 55 sa Bukidnon. (JESSE KABEL)
210 