(NI BERNARD TAGUINOD)
MAGKAKAROON ng dagdag na bakasyon ang mga buntis kapag naipasa ang isang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso upang mapangalagaan ang mga ito at ng kanilang ipinagbubuntis.
Sa House Bill (HB) 2238 na iniakda ni Agusan del Sur Rep. Lawrence Fortun, hindi biro aniya ang pagbubuntis ng mga kababaihang manggagawa kaya kailangang alagaan ang mga ito.
“This measure is a recognition by the State of the vital importance of the maternal functions of women, and hence, the essential need to ensure the preservation and protection of the health of pregnant women, as weel as that of the unborn,” ani Fortun sa kaniyang panukala.
Dahil nais ng mambabatas na magkaroon ng isang araw kada buwan na bakasyon ang mga buntis bukod sa kanilang vacation at sick leave.
Nangangahulugan na magkakaroon ng 9 araw na karagdagang bakasyon ang mga buntis na kanilang magagamit sa medical checkp-up na may kinalaman sa kanilang pagbubuntis.
“The bill likewise requires employers to provide for flexible work schedule for pregnant women subject to certain conditions,” ayon pa sa panukala.
Noong Hunyo 2019, ay itinaas na sa 105 days ang maternity leave ng mga nanganganak na empleyado mula sa dating 60 araw upang mapangalagaan ng mga ito ang kanilang sanggol.
