DAGDAG NA SPECIAL NON-WORKING HOLIDAYS TINUTULAN SA SENADO

INAYAWAN ni Senador Cynthia Villar ang panibagong deklarasyon ng special non-working holiday sa bansa dahil sinisira nito ang economic activity ng bansa.

Sa kanyang pagsasalita sa ginanap na pagdinig ng Senate committee on local government na pinamumunuan ni Senador Francis Tolentino, sinabi ni Villar na mas gusto niyang working holiday sa halip na non-working holiday dahil gobyerno naman ang magdiriwang at puwedeng pumasok ang mga kawani at ipagdiwang ng local government.

“Alam mo ‘pag lahat dineclare natin na non-working holiday, katakot-takot ang non-working holiday natin sa Philippines and that will destroy also the business, the economic condition of the Philippines,” ayon kay Villar sa pagdginig ng local holiday bills ng naturang komite.

“There’s nothing wrong with working holiday kasi yung mga government employees naman, even if they are working, they can celebrate, they dont have to go to their offices. They can celebrate with the local government. Yun lang ang opinion ko dyan, Kasi di ba sa atin sa Senado, parang binabawasan na rin natin yung non-working holiday kasi ang dami-dami na nila,” she added.

Sinabi pa ni Villar na kung dadamihan pa ang bilang ng non-working holiday, magkakaroon ito ng negatibong epekto sa negosyo kabilang ang mga employer na kailangan magdagdag ng 30 porsiyento sa sahod kapag pumasok ang kanilang empleyado.

Pero, nilinaw ni Villar na wala siyang problema sa pagkakaroon ng working holiday.

“But yung padamihing masyado yung non-working holiday, that’s detrimental. Baka puro na tayo non-working holiday all-year-round,” aniya.

Sa naturang hearing, inaprubahan ng komite ang pagdedeklara ng September 11 bilang special non-working holiday sa Ilocos Norte upang ipagdiwang ang birth anniversary ni dating Pangulong Marcos. (ESTONG REYES)

203

Related posts

Leave a Comment