DAGDAG SAHOD KARAPATAN NG MGA MANGGAGAWA

TINIYAK ni Senador Juan Miguel Migz Zubiri na ipagpapatuloy niya ang pagsusulong ng panukala para sa dagdag sahod sa mga minimun wage earners at iba pang hakbanging magtataguyod sa karapatan ng mga manggagawa.

Iginiit ni Zubiri na hindi dapat ipagkait sa mga manggagawa ang ginhawa at dignidad na matagal na nilang ipinaglalaban.

Sinabi ni Zubiri na patuloy niyang hihimukin ang mga kapwa mambabatas para suportahan ang daily minimum wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong sektor
Anuman anya ang halaga na maaprubahan ay kanyang susuportahan.

Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo, sinabi ni Zubiri na ang dagdag na sahod sa mga manggagawa ay hindi regalo at sa halip isa itong karapatan na dapat igalang at ipaglaban.

Iginiit ng senador na matagal ng naghihintay ang mga manggagawa at hindi lang anya papuri ang dapat na ipagkaloob sa kanila kung hindi mga patakaran na makapagpapahusay sa kanilang kalagayan at poprotekta sa kanilang karapatan at magpaparangal sa kanilang mga sakripisyo.

(DANG SAMSON-GARCIA)

14

Related posts

Leave a Comment