DAGDAG SAHOD SA MGA GURO IGINIIT

ISINUSULONG ni Senador Loren Legarda ang panukala para itaas ang minimum wage ng public school teachers at non-teaching personnel.

Sa paghahain ng Senate Bill No. 4, iginiit ni Legarda ang pangangailangang suportagan ang sapat na kompensasyon sa mga guro sa gitna ng pagtaas ng kanilang gastusin.

Alinsunod sa panukala, itataas sa Salary Grade 15 mula sa Salary Grade 11 ang entry level teachers.

Ang mga teaching personnel o instructors sa public universities at colleges ay itataas naman sa Salary Grade 16 mula sa Salary Grade 12.

“We must recognize the significant role of our teachers and personnel in nation-building. Our educational frontliners who have remained steadfast in our goal to provide the best for the Filipino children. With the increasing cost of living, it is high time we raise their salary,” diin ni Legarda.

“Hindi natin maikakaila na ang daming dalang hamon ng COVID-19 pandemic lalo na sa sektor ng edukasyon, ngunit dahil sa dedikasyon ng ating mga guro patuloy nating naitataguyod ang hangaring mabigyan ng dekalidad na edukasyon ang bawat batang Pilipino. Saludo po ako sa inyong walang pagod ninyong paggabay sa ating mga kabataan.” dagdag pa nito. (DANG SAMSON-GARCIA)

232

Related posts

Leave a Comment