DAGDAG-SINGIL SA ATM FEES HAHARANGIN

gracepoe12

(NI NOEL ABUEL)

HAHARANGIN ni Senador Grace Poe na plano ng mga bangko na magpataw ng dagdag singil sa automated teller machine (ATM) transactions.

Ayon sa senadora, chair ng Senate Committee on Banks, Financial Institutions and Currencies, magpapatawag ng imbestigasyon hinggil sa nasabing usapin.

“Maliit na nga ang interes sa savings, pero ang laki naman ng kaltas mula sa balance inquiry hanggang sa withdrawal,” sabi ni Poe.

“Kung tutuusin, para tayong nagpapahiram ng pera sa bangko kapag itinatabi natin ito sa ATM. Kung nagwi-withdraw tayo, kinukuha lang natin kung ano ang atin. Bakit ang laki ng kaltas sa bawat transaction, tapos may hiling pang dagdag ngayon?”pag-uusisa pa nito.

Nabatid na lumabas sa mga ulat na ilang bangko ang magpapataw ng dagdag singil sa ATM fees ng 36% hanggang 50%, matapos na bawiin ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang moratorium sa ATM fee increases.

“The practice of imposing hefty bank fees, including ATM charges is financially disadvantageous to our country’s more than 58 million ATM cardholders,” aniya pa.

Sa kasalukuyan ay P10 hanggang P15 ang ipinapataw para sa interbank withdrawals at P2 sa interbank balance inquiry.

Pagpapaliwanagin ni Poe ang mga bank officials kung magkano ang nakokolekta nito sa mga sinisingil sa ATM transactions.

 

 

 

 

 

355

Related posts

Leave a Comment