ARESTADO ang 30-anyos na dalaga sa bisa ng warrant of arrest, sa 15 kaso ng qualified theft sa Ermita, Manila noong Martes ng hapon.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Orlando Mirando Jr., hepe ng District Investigation and Detective Management Division (DIDMD) ng MPD, ang suspek na si Rea Deniece Nicolas, 30, purchasing staff, at naninirahan sa Brgy. 97, Zone 8, Tondo, Manila.
Base sa ulat ni Police Major Alfredo Tan Jr., hepe ng Criminal Investigation Section, bandang alas-2:00 ng hapon nang isilbi ni Police Captain Jerry Campo ng Warrant and Subpoena Section ng MPD, sa suspek ang warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Teresa Soriano, ng Branch 27, ng Manila, na may petsang Hulyo 18, 2023, dahil sa kasong 15 counts ng qualified theft.
Inirekomenda ng korte na maglagak ng piyansang P396,000 ang suspek para sa pansamantala niyang kalayaan.
(RENE CRISOSTOMO)
