DINAMPOT ng mga operatiba ng District Special Operation Unit (DSOU) ng Manila Police District, ang isang 50-anyos na ginang dahil sa kasong estafa, sa Barangay 767, Punta, Sta. Ana, Manila noong Martes ng gabi.
Kinilala ang suspek sa alyas na Ma. Jonnalyn Dela Rosa, may asawa, self-employed, at residente ng San Andres, Bukid, Manila.
Batay sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng DSOU, bandang alas-10:30 ng gabi nang damputin ang ginang sa Barangay 767, Punta, Sta. Ana, sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Dedimo Alviar Jr., sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Adolfo Lopez Jr., ng Metropolitan Trial Court Branch 24 ng Manila, na may petsang Hulyo 12, 2023, sa kasong estafa.
Gayunman, iniutos ng korte na maaaring maglagak ng piyansang P18,000 ang suspek para sa pansamantala nitong paglaya.
(RENE CRISOSTOMO)
