DALAGA PINATAY NG AMA SAKA NAGPAKAMATAY

PINANINIWALAAN ng pulisya na pinatay ng ama ang kanyang 22-anyos na anak bago nagpakamatay, matapos silang matagpuang wala nang buhay sa loob ng kanilang bahay sa General Mariano Alvarez (GMA) noong Linggo ng hapon.

Ayon sa ulat, bandang alas-3:30 ng hapon noong Lunes nang matagpuan ang bangkay ng mag-amang biktima na sina alyas “Carl”, 48, at “Anne”, 22, sa loob ng kanilang bahay sa Pasong Saging A, Brgy. Delas Alas, GMA, Cavite.

Nabatid sa imbestigasyon ng pulisya, bago naganap ang insidente, isang kapitbahay ang nakarinig ng komosyon sa loob ng bahay ng mag-ama kung saan nakarinig sila ng pagmamakaawa ng dalaga na sinabing “Pa, tama na”. Narinig din nila ang boses ng isang lalaki gayunman, hindi malinaw ang sinasabi nito.

Narekober sa loob ng kanilang bahay ang isang kutsilyo na may habang humigit-kumulang10 pulgada.

Napansin din ng pulisya na maayos ang loob ng bahay at intact ang mga kagamitan kaya inalis ang teoryang may pumasok na ibang tao sa bahay.

Kinumpirma naman ng asawa ng biktimang lalaki na nakararanas ng depresyon ang kanyang mister at naniniwalang ito ang pumatay sa kanilang anak saka ito nagpakamatay.

Matatandaan, bago naganap ang insidente, tinawagan ng asawa ng biktima ang kapatid nito na pumunta ito sa kanilang bahay upang alamin kung bakit hindi nila sinasagot ang tawag nito sa cellphone. Ang asawa ng biktima ay nagtatrabaho sa Maynila

Nagtungo ang kapatid ng ginang sa bahay ng mga biktima kung saan pagdating doon ay naabutang tahimik ang loob ng bahay kaya binidyuhan nito sa siwang ng bintana kung saan nakita ang paa ng isang biktima na tila nakahandusay at natagpuang kapwa wala nang buhay ang dalawa sa loob ng kanilang bahay.

(SIGFRED ADSUARA)

36

Related posts

Leave a Comment