Dapat may pulis, health facilities TOURIST DESTINATIONS GAWING LIGTAS – PBBM

NAGMUNGKAHI ng ilang polisiya si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nais nitong maipatupad sa iba’t ibang tourist destination sa bansa.

Kabilang na rito ang pagpaparami ng bilang ng mga nakatalagang pulis lalo na sa malalaking tourist spots sa Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Marcos, makabubuting magkaroon ng maraming pulis sa mga beach nang sa gayon ay may matatakbuhan agad ang mga turista sakali’t kailanganin ang serbisyo ng mga ito.

Bukod dito, nais din ng Chief Executive na magkaroon ng health facilities ang mga tinaguriang big tourist destinations gaya ng Boracay.
Aniya, ang ganitong klase ng set up o arrangement ay ipinatutupad sa beaches sa Hawaii at Thailand.

“[Sa] beach, maraming police and everything…So, if anything happens along that stretch, meron silang tatakbuhan kaagad. The lifeguards know exactly where to bring them,” ayon sa Pangulo, sabay sabing “That is supported by the local industry. Toka-toka sila, to keep a doctor there, to keep a nurse there.” (CHRISTIAN DALE)

225

Related posts

Leave a Comment