DAPAT PINOY ANG MAKINABANG SA MGA CHINESE PROJECTS

(Ni BERNARD TAGUINOD)

Kailangang tiyakin ng gobyernong Duterte na mga Filipino ang magpapatupad ng mga proyektong popondohan ng China na kabilang sa mga memorandum of understanding (MOU) na nilagdaan sa pagbisita ni Chinese President Xi Jinping.

Ito ang iginiit ng mga minority bloc sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, dahil kung mga Chinese nationals umano ang magtatrabaho sa mga proyektong ito at mga Chinese materials ang mga gagamitin ay madedehado ang mga Pinoy.

“Sana naman ang kontrata ay kontrata na purely exclusive to China. Yung kontrata na kung baga, puwedeng open ang bidding sa mga Filipino contractors,” ani Ako Bicol party-list Rep. Alfredo Garbin.

“At the same time, yung kontrata na hindi puro Chinese workers kundi should give preference to Filipino workers especially engineers and Filipino experts. Yung kontrata na hindi puro Chinese ang materyales kundi use Filipino materials,” dagdag pa ng kongresista.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang karaniwang reklamo sa ibang bansa na mayroong mga proyektong pinondohan ng China ay mga Chinese nationals ang nagtatrabaho kaya naaagawan ng trabaho ang mga lokal.

Kung hindi umano mangyayari na ang mga Filipino ang magpapatupad ng mga proyektong ito ay walang mapapala ang taumbayan at maaagawan ng trabaho at negosyo ang mga tao.

“Parang ginisa tayo sa sariling mantika (kung walang mapapala ang mga Pinoy sa mga Chinese projects),” ayon pa kay Garbin kaya obligasyon umano ng gobyerno na tiyaking makikinabang ang mga Filipino sa mga proyektong ito.

146

Related posts

Leave a Comment