INARESTO sa bisa ng warrant of arrest ang 36-anyos na dating talent ng ABS-CBN dahil sa kasong may kaugnayan sa ilegal na droga.
Sa ulat kay Manila Police Director, Brigadier General Andre Perez Dizon, alas-2 ng hapon nang madakip sa San Andres St., Malate ang suspek na si Christiand Orleind Calderon, may screen name na Chris Bugoy at nakilala sa TV series na Be Careful With my Heart ng Kapamilya Channel.
Nabatid na nang mawalan ng raket sa showbiz ay luminya sa online selling ang dating aktor na residente ng Aragon St., Singalong, Malate.
Ayon sa ulat ni Police Major Rommel Purisima, hepe ng District Special Operation Unit ng MPD, matagal nang minamanmanan ng pulisya ang suspek. (RENE CRISOSTOMO)
