DATING MAYOR KULONG SA ELECTION OVERSPENDING

LAGUNA – Ilang buwan pagkatapos ng national and local elections sa bansa, nahaharap ang isang dating mayor ng bayan ng Paete sa lalawigang ito, sa kasong paglabag sa Omnibus Election Code dahil sa overspending sa kanyang kampanya.

Inaresto ng pulisya si Elmoise Afurong, 56-anyos, ng Bonifacio St., Brgy. Longos, Kalayaan, Laguna, na kumandidato noong nakaraang May 9, 2022 local and national elections.

Ayon kay Laguna OIC Provincial Director Col. Randy Glenn Silvio, si Afurong ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Ma. Lourdes Santos Mendoza ng Regional Trial Court, Fourth Judicial Region, Branch 33, Siniloan, Laguna.

Si Afurong ay kinasuhan ng paglabag sa Section 100, as amended by Section 13 of Republic Act 7166, in relation to Section 262 of Batas Pambansa 881 or the Omnibus Election Code (overspending).  (CYRILL QUILO)

207

Related posts

Leave a Comment