DATING MAYORALTY ASPIRANT, ITINUMBA

PINAIIMBESTIGAHAN ni Philippine National Police (PNP) chief, Police General Guillermo Lorenzo Eleazar sa lokal na pulisya ang pamamaslang sa isang dating Abra mayoralty candidate.

Lumilitaw sa paunang pagsisiyasat na binaril hanggang sa mapatay sa loob mismo ng kanilang bahay ang biktimang si Amor Trina Dait na isang resident doctor ng La Paz District Hospital sa Barangay Poblacion sa bayan ng Pilar bandang alas-7:30 noong Sabado ng gabi.

Nangako si P/Gen. Eleazar na titingnan nila ang lahat ng anggulo para matukoy kung sino ang mga nasa likod ng pamamaslang at kung ano ang kanilang motibo Tumakbo sa pagka-alkalde ng bayan ng Pilar si Dr. Dait noong 2019 local elections.

“Nagpalabas na ako ng kautusan sa RD, PRO-CAR na bumuo ng isang Special Investigation Task Group upang mapabilis ang imbestigasyon sa kasong ito in the interest of truth and justice,” wika ni P/Gen. Eleazar. Dagdag pa niya, “On behalf of the men and women of the PNP, ipinapaabot ko ang taos-pusong pakikiramay sa medical community at sa pamilya ni Dr. Amor Trina Dait. Tinitiyak ko sa inyo na personal kong tututukan ang kasong ito”.

Mula pa noong isang buwan, ipinag-utos na ni P/Gen. Eleazar sa lahat ng police commanders na simulan na ang mga paghahandang pangseguridad para sa nalalapit na halalang pampanguluhan at lokal sa Mayo ng 2022. Ayon sa PNP chief, “This incident only encouraged us to be more aggressive in our campaign against private armed groups and loose firearms to ensure the peace, honest and orderly conduct of the elections next year. (JESSE KABEL)

142

Related posts

Leave a Comment