Dating senador Marcos sinisilip i-tandem ALYANSA NI INDAY UMANDAR

PATULOY ang paghimok ng ilang grupo na sumabak sa pampanguluhan si Presidential daughter Inday Sara Duterte sa kabila ng pagtanggi nito at pagtutol ng amang si Pangulong Rodrigo Duterte.

” My daughter, inuudyok naman nila. Sabi ko my daughter is not running. I have told Inday not to run,” matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte kamakailan.

Subalit sa pinakahuling survey, si Mayor Sara ang nangunguna at malapit na pumapangalawa si dating Senador Bongbong Marcos.

Kabilang sa mga nagsusulong na ikonsidera ni Sara ang pagkandidato ang ilang dating PBA greats na sina EJ Feihl, Mr. Excitement Bong Alvarez, at Jerry Codiñera; Guardians Int’l. Charter Grandmaster Founder Tiger Michael Gabriel; Atty. Glynis Cabansag at Alyansa Ni Inday President Dr. Alvin Sahagun.

“Sana ay marinig ni Mayor Sara ang aming panawagan na pamunuan niya ang ating bansa, ituloy ang tapang at malasakit at ipagpatuloy ang tunay na pagbabago,” sabi ni Dr. Sahagun sa eksklusibong panayam ng SAKSI Ngayon.

Isang lider din ng Alyansa ang nakausap ng SAKSI na nagsabing si dating Senador Bongbong Marcos ang napipisil ng grupo na makatandem ng Davao City mayor at nakahanda na ang mga partidong pulitikal, mga kakandidatong senador, congressman at incumbent local politicians para sumama at sumuporta.

Sa ginanap na paglulunsad ng Alyansa ni Inday Run Inday Run sa Vikings Venue, MOA Complex, kabilang sa mga nagsidalo ang iba’t ibang malalaking personalidad sa larangan ng pagnenegosyo, mga artista; directors ng entertainment & Arts industry upang magbigay ng suporta sa The Movement. (DAVE MEDINA)

144

Related posts

Leave a Comment