PORMAL nang naisilbi ng House Committee on Justice ang notice na nag-uutos kay Vice President Sara Duterte na magsumite ng tugon sa dalawang impeachment complaint laban sa kanya. Ipinadala ang notice sa tanggapan ng Office of the Vice President sa Cybergate Plaza sa Mandaluyong City. Batay sa rekord ng Kamara, natanggap ng OVP ang notice alas-10:44 ng umaga noong Marso 5, 2026. Ang dokumento ay pirmado ni House Justice Committee chairperson Gerville Luistro. Sa notice, inaatasan si Duterte na magsumite ng Verified Answer sa loob ng 10 araw mula sa…
Read MoreDay: March 5, 2026
YAMAN NI VP SARA LUMOBO NG 378% SA LOOB NG 16 TAON — RIDON
UMABOT sa halos P70 milyon o 378 porsiyento ang paglaki ng yaman ni Vice President Sara Duterte mula 2008 hanggang 2024, ayon kay Bicol Saro Rep. Terry Ridon. Ayon kay Ridon, chairman ng House Public Accounts Committee, batay ito sa mga rekord ng Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ng Bise Presidente. Sa datos aniya, nasa P18.493 milyon ang net worth ni Duterte noong 2008, na bahagyang bumaba sa P18 milyon noong 2009. Ngunit sa pinakahuling SALN noong 2023 at 2024, batay sa kopyang hawak ng Office of…
Read MoreGOBYERNO PINAGLALATAG NG MGA HAKBANGIN PARA SA PROTEKSYON NG OFWs SA MIDDLE EAST
PINAGLALATAG ni Senador Bam Aquino ang pamahalaan ng mekanismo para matiyak ang kaligtasan, proteksyon at kahandaan sa repatriation ng mga OFW na apektado ng gulo sa Gitnang Silangan. Sa Senate Resolution 321, binigyang-diin ni Aquino ang bigat at panganib na madamay ang mga Pilipino sa mga conflict-affected areas sa Gitnang Silangan matapos ang pagkasawi ng Pinay caregiver na si Mary Ann de Vera sa Tel Aviv, Israel. Binigyang-diin ni Aquino na ang kawalan ng katatagan ay banta sa buhay at kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa lumalawak na saklaw ng…
Read MoreGATCHALIAN ATUBILI SA PAG-ALIS NG VAT SA PRODUKTONG PETROLYO
ATUBILI si Senate Finance Committee Chairman Sherwin Gatchalian sa panukalang alisin ang Value Added Tax sa mga produktong petrolyo. Ipinaliwanag ni Gatchalian na mas mahirap imonitor ang VAT dahil mayroon pang tinatawag na input at output VAT na kailangan pang kwentahin. Taliwas anya ito sa excise tax dahil kung ano lamang ang binili mong gasolina ay yun lamang ang babawasan. Muling iginiit ni Gatchalian na ang mga ganitong hakbangin ay huling opsyon na dapat ng gobyerno at mas dapat unahin ang pamamahagi ng Pantawid Pasada Program. Nangangamba kasi ang senador…
Read MoreChina pumiyok sa ‘Wolf Warrior Diplomacy’ PAGBUWAG SA UMANO’Y ESPIONAGE NETWORK KINUMPIRMA NG AFP
KINUMPIRMA ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagkakadiskubre at pagbuwag sa umano’y mga “espionage network” ng China na sangkot sa paniniktik sa Pilipinas. Ayon kay AFP spokesperson Col. Francel Margareth Padilla, mulat ang militar sa mga ulat kaugnay ng operasyon ng naturang network na umano’y nag-ooperate sa bansa. Sinasabing natuklasan at nahadlangan ng mga awtoridad ang ilang aktibidad na kinasasangkutan ng mga Pilipinong nakikipagtulungan na ngayon sa mga imbestigador, na pinaniniwalaang may kaugnayan sa mga dayuhang operasyon na may masamang layunin laban sa bansa. Ipinaliwanag ni…
Read MoreSPEAKER DY, ALIN ANG MAS MABIGAT? MAGBIRO O MAY KASONG HINAHARAP?
BALITANG ‘DI KANAIS-NAIS HINDI sa kinakampihan natin itong si Quezon City 4th Dist. Congressman Bong Suntay sa naging pagbibiro niya tungkol sa “pantasya” sa wikang Pinoy at “imagination” sa salitang banyaga hinggil sa “beautiful” actress na si Anne Curtis na nakasalubong umano niya sa isang mall. Masyado lang binigyan ng malisya ng mga mambabatas ang ginawang pagbibiro ni Cong. Suntay, ayun sinita tuloy siya ng House Committee on Justice at natabunan ang mas mabigat na usapin tulad ng impeachment na kinahaharap ni VP Sara Duterte. Pero hindi ang pagbibiro ni…
Read MoreBULLYING SA NARVACAN: SINAPAK AT SINIPA SA HARAP NG KLASE
GEN Z TALKS ni LEA BAJASAN ISANG marahas na insidente ng pambu-bully sa loob ng Quinarayan Elementary School sa Narvacan ang umani ng matinding reaksiyon matapos kumalat online ang video ng pananakit. Sa footage, makikita ang isang babaeng mag-aaral na itinulak, hinampas ng bag, sinipa, at paulit-ulit na sinuntok sa ulo habang oras ng tanghalian, hanggang sa tuluyan siyang umiyak. Naganap ang insidente sa loob mismo ng silid-aralan. May iba pang mga mag-aaral sa paligid habang nangyayari ang pananakit. May nanonood lamang. May nagre-record gamit ang cellphone. Kapansin-pansin na walang…
Read MoreENDORSEMENT NI BBM SA 2028 ELECTIONS, “KISS OF DEATH”?
PUNA ni JOEL O. AMONGO SA halip na makatulong ay magiging “Kiss of Death” pa sa isang kandidato ang basbas o endorsement ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., sa darating na 2028 presidential election. Matatandaan natin na noong 2024 State of the Nation Address (SONA) ni BBM ay ipinagmalaki niya na mayroong 5,500 flood control projects na natapos na at may mga ginagawa pa ang kanyang administrasyon. Kalikasan na mismo ang nagbulgar na hindi totoo ang sinabi ni BBM sa pamamagitan ng mga kalamidad na tumama sa bansa. Binaha ang…
Read MoreBI JAIL GINAWANG BEMBANGAN?
BISTADOR ni RUDY SIM NANGANGANIB na kumalat ang sakit na STD at HIV sa piitan ng Bureau of Immigration matapos payagan diumano ng isang mataas na opisyal ng BI na makapasok dito ang mga babaeng mababa ang lipad o nagbebenta ng panandaliang bembang. Ayon sa sumbong na ating natanggap, matapos na palitan ang warden ng BI warden facility ng isang opisyal na naknakan ng ewan, ay tila walang ipinagbago ang kalakaran sa loob at ang piitan ay nagmistulang isang casa o parausan ng mga dayuhang inmates na nais makabembang. Ang…
Read More