DAVE PANGANIBAN NAGHARI SA ‘KA-REX CAYANONG’S DARTS MIMO 003’

Nagpamalas ng bangis ang dart player na si Dave Panganiban.

Ito’y makaraang maghari sa 501 doubles event “Ka Rex Cayanong’s Darts MIMO 003” na ginanap sa C. Lawis St., Brgy. Dela Paz, Antipolo City noong Sabado.

Nakipagsanib-pwersa si Panganiban kay Jovit Cabarle kaya’t pinakain nila ng alikabok sa finals ang tambalan nina John Ong at Jhe Lico, 3-2.

Dahil dito, nasikwat nila ang korona sa pa-tournament ni veteran broadcaster Ka Rex Cayanong.

Napag-alaman na sinelyuhan ni Panganiban ang panalo, 40 left, sa single 20 tumama ang first pin.

Kasunod nito, tinarak naman sa double 10 ang second pin para angkinin nila ni Cabarle ang korona sa race to 3 finals format.

Sa panayam ng “Sabong On Air”, sinabi ni Panganiban na bumagsak sa ikalawang puwesto sina Ong at Lico sa event na sinabakan ng may 20 pairs.

Ayon kay Panganiban, sipag at tiyaga sa pagsasanay ang naging puhunan nila upang makamit ang kampeonato.

Maliban dito, nagpakita din ng tikas si Cabarle nang angkinin nito ang titulo sa Singles event habang giniba nito sa finals ang second placer na si Joel Orillana.

Kabilang naman sa mga lumahok sa event sina Kap. Jojo Salen, Jason Manlunas, Jess Bautista, Ricky Soriano, John Manalo, Edison Lagman, Obet Seranillo, John Delos Santos, Angelo Delos Santos at Eugene De Jesus.

Maging sina Alexis Espino, Macoy Natividad, Melvin Lico, Francis Paterno, Teng Garcia, Leon Tica, Ferdinand Pante, Cris Zapanta, Rammil Tablan, Joel Adia, Dar Beroy, Teddy Valenzuela, Albert Penaflor, Denis Corpus, Michael Constantino, Bart Juanson at Lito Anglo ay sumali rin sa nasabing torneo.

354

Related posts

Leave a Comment