DEADLINE SA PAGLILINIS NG MGA PUNTOD ITINAKDA SA MAYNILA

NAGPALABAS ng deadline ang pamunuan ng Manila North Cemetery at Manila South Cemetery na hanggang Oktubre 27, 2025 ang itinakdang huling araw para magsagawa ng paglilinis ng mga puntod ng kanilang mga yumaong mahal sa buhay na nakalibing sa dalawang pangunahing kampo santo sa bansa.

Sa MNC, tinatayang aabot sa dalawang milyong Pilipino ang daragsa para bisitahin ang kanilang mga yumaong mahal sa buhay ngayong Undas season mula Oktubre 29, 2025 hanggang Nobyembre 2, 2025.

Kaugnay sa paggunita ng All Saint Day ng sambayanang Pilipino, inihayag ng pamunuan ng North Cemetery na itinakda ang huling araw ng paglilibing hanggang Oktubre 28 na lamang.

Ito rin ang huling araw na papayagang makapasok ang mga sasakyan loob ng sementeryo.

Mahigpit ding ipagbabawal ang mga   vendor sa bukana o entrada n dalawang semeteryo para bigyang daan ang inaasahang pagdagsa ng mga bumisita sa dalawang pangunahing cemetery.

Ang dalawang kampo santo ay bukas mula alas-5:00 ng umaga hanggang alas-9:00 ng gabi mula Oktubre 29 hanggang Nobyembre 2.

Paalala rin ng pamunuan na maaaring gumamit ng locator ang mga dumalaw para malaman ang eksaktong lokasyon ng puntod ng yumao nilang mahal sa buhay na kanilang bibisitahin.

Babala naman ng pamunuan   at maging ng Manila Police District mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng deadly weapons, alak o anomang nakalalasing na inumin, at mga bagay na nakalilikha ng ingay.

(JESSE RUIZ)

20

Related posts

Leave a Comment