DEFENSE SECRETARY TEODORO UNANG NAGHAIN NG RESIGNATION

NAUNA nang naghain ng kanyang courtesy resignation kay Presidente Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., si Department of National Defense Secretary Gilberto C. Teodoro, Jr. nitong Huwebes ng umaga kasunod ng kahilingan ng Pangulo na magsumite ng kanilang courtesy resignation ang 30 miyembro ng kanyang gabinete.

Tiniyak naman ni Sec. Teodoro sa sambayanang Pilipino na patuloy na tutupad sa kanilang mandato ang lahat ng kawanihang nasa ilalim ng defense department lalo na ang Armed Forces of the Philippines na siyang responsable sa pangangalaga sa soberanya at territorial integrity ng bansa. Tuloy-tuloy rin umano ang kanilang public service bilang suporta sa national development sa panahong umiiral ang nakaambang transition sa pamahalaan.

Una nang hiniling ni Pangulong Marcos ang courtesy resignations ng lahat ng kanyang cabinet secretaries na isang hakbang para i-calibrate ang kanyang pamamahala bunsod ng hindi magandang resulta ng nagdaang halalan.

Ayon kay PBBM, panahon na para i-realign ang gobyerno roon sa inaasahan ng mga tao.

Binigyang-diin ng Pangulo na hindi ito ‘business as usual’ dahil nagsalita na ang mga tao at kanilang inaasahan ang resulta hindi ang pulitika.

Bukod kay Sec. Teodoro, may 29 pang Cabinet secretary ang nagpahayag ng kanilang kahandaan na magsumite ng courtesy resignation habang ang iba naman ay nagsumite na ng kanilang courtesy resignation bilang tugon sa panawagan ng pangulo.

Layunin nito na mabigyan ng pagkakataon ang Pangulo na i-evaluate ang performance ng bawat department at tukuyin kung sino pa ang patuloy na magsisilbi sa administrasyon sa ipatutupad na recalibrated priorities.

Ang nasabing hakbang ay patungo sa mas pokus na performance driven approach at hindi umano ito patungkol sa personalidad kundi ito ay patungkol sa kanyang performance.

Target ng Presidente ang mas mabilis na pagtupad sa mahahalagang mga proyekto at programa ng administrasyon lalo na sa mga pangangailangan ng sambayanan.

(JESSE KABEL RUIZ)

9

Related posts

Leave a Comment