TINAWAG ni dating Congressman Mike Defensor na “katawa-tawa” ang banta ni NBI Director Melvin Matibag na magsampa ng kaso laban sa kanya sa Department of Justice (DOJ) kaugnay ng kasong human trafficking.
Iniuugnay si Defensor sa isang KTV bar sa Pasig City na na-raid dahil sa umano’y sexual exploitation ng dose-dosenang kababaihan.
“Katawa-tawa ang mga ginagawa niya. I-file niya ang kaso at haharapin namin ‘yan,” ani Defensor.
Kinuwestiyon din niya ang pahayag ni Matibag hinggil sa umano’y koneksiyon niya sa Cliffpoint Development Corp., na may operasyon sa Cliffpoint Square kung saan matatagpuan ang KTV bar.
Ayon kay Defensor, sinisikap umano ni Matibag na maisampa laban sa kanya ang isang non-bailable offense upang siya ay makulong at mapatahimik.
Iginiit din ng dating mambabatas na layunin umano nito na pigilan ang mga isinasagawang imbestigasyon sa umano’y katiwalian.
(JULIET PACOT)
137 