PINAGPAPALIWANAG ni Anakalusugan Rep. Mike Defensor ang Department of Health (DOH) kung bakit ang Pilipinas ang may pinakamataas na mortality rate o namatay sa COVID-19.
“We still have small numbers of infection cases and deaths, but a quick glance at the data would show that in terms of percentage, there are more Filipinos than there are Thais, Indonesians or Indians dying of this disease,” ani Defensor, vice chairman ng House committee on health.
Noong Lunes ay umabot na sa 140 ang nagpositibo sa COVID-19 sa bansa kung saan 12 ang namatay kabilang ang isang Chinese national na mula sa Wuhan, China kung saan nagsimula ang nasabing salot.
Nangangahulugan, ayon kay Defensor na 8.57% ang fatality rate sa Pilipinas na masyadong mataas kumpara sa mga karatig bansa na bagama’t mas marami ang nagkaroon ng COVID-19 ay maliit ang porsyento ng mga namatay.
Sa Thailand aniya, 114 ang nagkaroon ng COVID-19 subalit isa lang ang namatay habang sa Indonesia ay 4.3% lang ang fatality rate dahil 5 lang sa 117 kaso ang naitala sa nasabing bansa.
Ang India aniya na may 1.3 billion populasyon ay 115 lang ang naitalang kaso at dalawa lan namatay habang sa Australia ay 337 COVID-19 case ang naitala pero 5 lang ang namatay samantalang sa Canada na may 342 kaso ay isa lang din ang nasawi.
Maliban dito, mas marami umano ang na-exposed sa ibang bansa sa COVID-19 kumpara sa Pilipinas.
“But we have a higher percentage of deaths. I don’t want to speculate on why and I don’t want to sound alarmist. The DOH should tell us, look into why this is happening and take the necessary measures,” ani Defensor.
Hindi umano ito tumugma sa pahayag ni Secretary Francisco Duque sa nasabing komite na 2 hanggang 3% lamang ang fatality rate kung pagbabasehan ang karanasan ng ibang bansa.
“COVID-19 originated from Wuhan City in China, where, based on latest data, 3,204 persons had died out of more than 81,000 infected. The proportion of deaths to infections is 3.95 percent.
Italy, the new COVID-19 epicenter, reported 24,747 infection cases and 368 deaths (1.49 percent). Worldwide, there are more than 152,000 confirmed cases and 5,700 fatalities (3.75 percent),” ani Defensor kaya dapat aniyang ipagliwanag ni Duque kung bakit 8.57% ang fatality o mortality rate sa Pilipinas. BERNARD TAGUINOD
