BATANGAS –Β Umabot na sa 879 ang bilang ng mga kaso ng dengue sa lalawigan mula Enero 1 hanggang Hulyo 16, 2022, ayon sa Department of Health (DOH) – Calabarzon.
Mataas ito ng 101 porsyento kumpara sa 437 kasongΒ naitala sa parehong petsa ngΒ nakaraang taon. Tatlo sa nasabing bilang ang pumanaw sa sakit.
Pinakamaraming naitalang kaso sa lungsod ng Lipa na may 168, kasunod ang lungsod ng Tanauan (142), lungsod ng Batangas (120) at lungsod ng Sto. Tomas (116).
Ang bayan ng Tingloy at San Luis naman ang may pinakakaunting naitalang kaso ng sakit na may tig-isa sa nasabing petsa habang may tig-dalawang kaso naman ang mga bayan ng Alitagtag, Sta. Teresita, Lobo, San Nicolas, Lian, Tingloy, at San Luis.
Sa nasabi ring ulat ay binanggit ngΒ DOH-Calabarzon na mayroon nang 6,362 kaso ng dengue sa nasabing rehiyon ngayong taon kung saan 12 sa mga pasyenteng tinamaan ng sakit angΒ pumanaw, na katumbas ng 19 porsyentong fatality rate.
Ang lalawigan ng Laguna ang may pinakamaraming kaso na may 2004 kasunod ang Rizal (1317) at Quezon (1144). Pang-apat naman ang Cavite (948) kasunod ang Batangas (879) habang ang Lucena City naman ang may pinakakaunting kaso na may 70.
Karamihan sa mga nagkakasakit ng dengue sa rehiyon ay edad dalawa hanggang 10 taong gulang, na binubuo ng 2,476 kaso o 58 porsyento ngΒ kabuuang naitala. (NILOU DEL CARMEN)
409 