DEPED HINDI LANG PARA SA PAG-AARAL, FRONTLINER DIN TUWING MAY KALAMIDAD

HINDI malayong tawaging Department of Evacuation and the Displaced ang Department of Education (DepEd) dahil sa malaking tulong nito sa tuwing may kalamidad sa bansa.

Ito ang sinabi ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto kung hindi paglalaanan ng malaking pondo ang DepEd para sa pagtatayo ng mas marami pang school buildings.

Aniya, hindi bababa sa 1,797 mga pampublikong paaralan ang ginamit bilang quarantine facilities sa panahon ng pandemya habang 573 ang nakatakda pang gamitin na maaaring magdala sa 2,370 bilang ng mga paaralang hinihingi sa paglaban sa COVID-19.

“Pagdating sa sakuna o kalamidad, ang DepEd ang kauna-unahang frontliner agency sa Pilipinas. Unang takbuhan ng mga biktima,” sabi ni Recto.

“Doon unang sumisilong ang mga lumilikas mula sa bagyo, baha, lindol, pagsabog ng bulkan at landslides. They are also the first option refuge for victims of manmade calamities like fires and military-rebel clashes,” dagdag pa nito.

“Hindi pwedeng tingnan ang mga ito as places of learning lang.

They should also be seen as safe havens for victims of calamities during this time of climate change, when storms are getting more frequent and stronger in a country that is prone to multiple disasters,” giit nito.

Bukod dito, nagmistula rin aniya itong evacuation ng mga estudyanteng lumipat mula sa pribadong eskuwelahan patungo sa pampublikong paaralan na umabot sa 400,000.

At upang maiwasan na magkaroon ng backlogs, kailangang magtayo ang DepEd ng 66,493 classrooms.

Subalit nasa 5,174 lamang ang pinaglaanan ng pondo para sa susunod na taon na may pondo na P12.9 billion.

Habang nasa 70,613 classrooms ang kinakailangan ding isaayos ngunit sa 2021 national budget ay pinaglaanan lamang ito ng 10,444 classrooms.

“Ideally, these permanent evacuation centers should be outside our schools, so that students will not be displaced when calamities strike.

But the practical side which can’t be ignored is that schools will continue to open their gates to the unfortunate because these are their neighbors, parents and members of the community,” ayon pa kay Recto. (NOEL ABUEL)

294

Related posts

Leave a Comment