DERRICK, ENJOY SA BAGUHANG LEADING LADY

(WALLY PERALTA)

HINDI na rin naman bago para sa hunk Kapuso actor na si Derrick Monasterio ang maging bida sa isang project.

Years back nagbida na rin siya sa isang weekly comedy show na “Tsuperhero” at ngayong taon muling susubukan ang kakayahan ni Derrick na magdala ng isang show.

By this time isang teleserye naman, ang “Return To Paradise” kasama ang baguhang si Ella Villanueva.

Kabilang din sa casts sina Allen Dizon, Ricardo Cepeda, Liezel Lopez as the third wheel in the Derrick-Elle relationship at Kiray Celis.

Ang Return To Paradise ay istorya ng 2 young people na napadpad sa isang deserted island after a plane accident.

Kamusta kaya ang working relationship ni Derrick sa baguhang si Elle?

“Masaya ako working with her kasi sa workshops pa lang, nag-click agad kami. Magaan siyang kasama at naging magkatropa kami agad sa lock-in location shoot namin sa island,”say ni Derrick.

At ano naman kaya ang pakiramdam ng isang Derrick ngayon na mabigyan ng isang project kung saan ay masusubukan ang kanyang pagiging isang matured actor.

“Well, I was quite surprised pero sobrang saya ko and I immediately prayed at nagpasalamat ako kay Lord for this big opportunity. Of course, I also want to thank GMA management for this great project.”dagdag na say ni Derrick.

234

Related posts

Leave a Comment