DERRICK PUMAREN, BALIK-TAFT

DERRICK PUMAREN

NOONG una ay pahulaan pa ngunit kahapon ay pormal nang inanunsyo ang pagbabalik ni Derrick Pumaren bilang coach ng La Salle Green Archers.

“The University welcomes back coach Derrick to the Lasallian community as he maps out the new direction of the Green Archers,” ayon sa maikling pahayag ng La Salle Taft.

Epektibo ang pagbabalik coach niya sa Green Archers simula Enero 1, 2020.

Si Pumaren ang nagtimon sa Green Archers sa UAAP championship noong 1989 at 1990.

Makakatuwang niya sa kanyang pagbabalik sina Gabby Velasco at Mon Jose, habang aalalay din ang  head coach ng nakaraang taon na si Gian Nazario at team consultant Jermaine Byrd.

Hindi man lang nakapasok sa Final Four ang Green Archers sa loob ng dalawang season, at nagkasya lamang sa fifth place finish noong UAAP Season 82 kung saan mayroon silang 7-7 record.

Sasandalan pa rin ng La Salle ang mga manlalarong sina Justine Baltazar (center), Encho Serrano (guard), at ang shooter nila na si Aljun Melecio.

Agad na mapapalaban ang La Salle at si Pumaren sa 2020 PBA D-League Aspirants’ Cup sa susunod na buwan (Pebrero) kung saan maglalaro sila bilang Eco Oil-DLSU Manila.

Maliban kay Derrick, naging coach din ng Green Archers ang mga kapatid nitong sina Franz noong 2009, at Dindo hanggang noong 2011. (ZIA JINGCO)

178

Related posts

Leave a Comment