NAIS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ipalathala sa mga pahayagan ang listahan ng mga nagpapatuloy na government projects at corresponding winning bidders para sa nalalabing panahon sa kanyang termino.
Sinabi ni Pangulong Duterte na gustong bumili ng gobyerno ng ilang pahina mula sa mga major newspaper para ipalathala ang government projects na natapos na o nasa negosasyon pa.
“In one page, ‘under negotiation’… Gusto ko malaman sinong mga contractor na nanalo. May listahan ako sa mga demonyo na ‘yan,” ayon sa Pangulo.
“Malaman ng tao ‘yung estimated project tapos magkano ang winning bid, to whom it was awarded, and for how much… That will be an on and on story for the last two years,” dagdag na pahayag nito.
Taong 2016 nang sabihin ng Pangulo na ang “lowest bid is the source of corruption.”
382 