DFA NAGBABALA SA MGA BIBIYAHENG HONGKONG

dfalocsin12

(NI ROSE PULGAR)

NAGPAALALA ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Pilipino na bibiyahe sa Hong Kong na huwag magdala ng mga bawal na gamit sa kanilang bagahe.

Nauna nang inireport ng DFA na nasa 20 Pinoy, karamihan ay bumiyahe sa Hong Kong International Airport, ang nahuli at nagmulta dahil sa pagdadala ng mga bawal na gamit noong nakaraang taon.

Sa abiso ng DFA, hindi dapat magdala ng restricted items sa hand-carried o checked-in luggage para hindi maabala at mapahamak sa kanilang pag-alis sa Pilipinas.

“DFA reiterates its warning to all Filipinos traveling to or transiting through Hong Kong as visitors, workers, or as residents to make sure they are not carrying restricted items in their hand-carried or checked-in luggage,” mahigpit na pahayag ng ahensya.

Sa ilalim ng Aviation Security Ordinance o ang Firearms and Ammunition Ordinance of Hong Kong, bawal magdala ng stun gun, pepper spray, bala ng baril, extendable baton, flick knife at knuckleduster.

Sinabi ng DFA na ang maaaresto sa pagkakaroon ng “stunning devices” ay may multang HK$100,000 at hanggang 14 na taong pagkakulong.

 

155

Related posts

Leave a Comment