DICT, DEPED, CHED TULOY ANG UGNAYAN PARA SA FREE WI-FI SA MGA PAARALAN

PATULOY ang pakikipag-ugnayan ng Department of Information Communications and Technology (DICT) sa Department of Education (DepEd) at Commission on Higher Education (CHED) para mapabilis ang paglalagay ng mga free Wi-Fi Sa ibat ibang lugar sa bansa.

Ayon kay DICT deputy spokesperson Atty. Adrian Echaus, bahagi ito ng ginagawang paghahanda ng ahensya upang matugunan ang pangangailangan ng maraming guro at mag-aaral para Sa online classes o blended learning na ipatutupad ng DepEd at cHED sa pagbubukas ng klase sa buwan ng Agosto.

Ani Echaus, nag-issue na ng direktiba si DICT Sec. Gringo Honasan sa free Wi-Fi team ng ahensya, sa mga director at regional clusters na makipag-coordinate sa DepEd at CHED upang maging mabilis ang deployment at installation ng free Wi-Fi.

Target aniya ng DICT na makumpleto ang paglalagay ng mga free Wi-Fi sa mga paaralan at unibersidad, partikular na sa mga liblib na lugar, bago matapos Taon.

Kabilang dito ang mga public school at 1,804 live sites naman sa state universities at TESDA institutions bago matapos ang taon.

Dagdag pa ni Echaus, alinsunod sa Republic Act 10929 o ang Free Internet Access in Public Places, naglalagay rin aniya sila ng internet access points sa mga government-designated head facilities, hospitals at quarantine centers. CHRISTIAN DALE

264

Related posts

Leave a Comment