DICT PINA-AAKSYON VS TEXT SCAMS

INATASAN ni Senador Grace Poe ang Department of Information and Communication Technology (DICT) na sugpuin ang sinomang nasa likod ng lumalaganap na text scam na bumibiktima ng maraming consumers.

“Habang mas marami nating mamamayan ang gumagamit ng smartphone para sa komunikasyon, negosyo at edukasyon lalo na ngayong pandemya, nagdagsaan naman ang mga manloloko,” ayon kay Poe.

Sinabi ni Poe na ” Dito, kailangang magkasabay na umaksyon ang gobyerno at pribadong sektor laban sa mga sindikatong mas pinalakas at pinabilis ang kanilang mga pag-atake at pananamantala sa kahinaan ng publikong nakaasa sa mobile phones.”

“Hinihikayat natin ang lahat na mas lalong maging mapagmatyag at tingnan ang mga senyales ng mga ilegal na aktibidad upang maprotektahan ang mga personal at sensitibong impormasyon,” ayon kay Poe.

Idinagdag pa ni Poe na kailangan tuluy-tuloy ang pagpapalakas ng mga mekanismo tulad ng mga umiiral na hotlines, kung saan maaaring isumbong ng taumbayan ang mga ‘spams at scams’ at makakuha ng agarang tulong. (ESTONG REYES)

154

Related posts

Leave a Comment