DIGONG AT LENI, MAGSANIB SA PROMOSYON NG BAKUNA

HINIMOK ni Senador Ralph Recto sina Pangulong Rodrigo Duterte at Vice President Leni Robredo na magsanib pwersa sa promosyon ng pagpapabakuna upang mas marami ang mahikayat.

Sinabi ni Recto na malaking tulong ang high profile endorsers upang masolusyunan ang mababang bilang ng mga tumatangkilik sa vaccine program ng gobyerno.

Ang Public Service Announcement anya na dapat ilabas nina Pangulong Duterte at Vice President Robredo ay maglalaman ng pagkalinga at pagmamahal ng gobyerno sa mga bata at seniors. Sa datos, ang Expanded Program ng Immunization ay pinondohan ng P7.5 bilyon ngayong taon para sa 12 milyong indibidwal.

Subalit hanggang noong Hunyo, 2.8 milyong indibidwal pa lamang ang nabigyan ng bakuna.

Sa 2.12 milyong bata na may edad isang taon pababa, 332,000 pa lamang ang nabigyan ng bakuna hanggang noong Marso.

Sa 8.6 milyong school children, nasa 2.458 milyon pa lamang ang nabakunahan batay sa datos ng Department of Health o 3 sa bawat 10 bata.

Sakop din ng immunization program ang 1.285 milyong seniors na dapat mabigyan ng influenza at pneumococcal polysaccharide vaccine. (DANG SAMSON-GARCIA)

133

Related posts

Leave a Comment