DIGONG: SINIBAK SA PDEA BANTAYAN

ISA-ISANG pinangalanan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang ilang dating taga-Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na nasibak sa pwesto matapos madawit sa illegal drug trade upang balaan ang mga komunidad sa posibleng pananatili nila sa gawaing ilegal.

Sa public address ni Pangulong Duterte ay sinabi nito na ilan sa mga ito ay intelligence officers na guilty sa grave misconduct dahil sa pangingikil at nagpositibo pa sa paggamit mismo ng droga.

” Sabihin mo sa kanila itong binabasa ko na huwag kayo dito sa barangay magloko. At kung may makita kayo na misteryoso, report mo kaagad sa pulis or sa military. Ang pangalan is, first is: Francis Raymond R. Ogoy – Intelligence Officer. Grace misconduct; punishment – dismissal. Aristeo Villamor Jr. – Intelligence Officer I. Grave misconduct at noong in-examine sila, positive sa droga — drug use. Ang pangtatlo is: Roger G. Junio – Intelligence Officer II. Ito grave misconduct tapos tested positive for drug use. Ito si Joseph Abenir – Administrative (Aide) VI. Grave misconduct, ganoon rin tested positive for drug use. Theodore Barte – Intelligence Officer. Grave misconduct, dismissal. Lahat ito na-dismiss.”

Binigyang linaw ng pangulo na ang mga ito ay hindi na konektado sa PDEA.

Aniya pa, mayroon ding ilang pulis na may kalokohan sa kanilang anti-illegal drug operations. (CHRISTIAN DALE)

274

Related posts

Leave a Comment