‘MISCOMMUNICATION’ SA PAGPAPABAKUNA

IGINIIT ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles na miscommunication lamang ang insidente ng nangyaring pagsalang sa bakuna ng ilang opisyales ng pamahalaan kahit hindi pa dapat mabakunahan.

Ito’y sa harap pa rin ng komento ng mga kritiko ng pamahalaan na inuuna pa ring bakunahan ang mga opisyal ng gobyerno kasabay ng mga health worker na numero uno sa priority list ng vaccination program ng pamahalaan.

Sinabi ni CabSec Nograles, hindi pagkakaintindihan ang lumalabas sa isinasagawang imbestigasyon at wala namang intensiyon o pananadya ang mga government official na nakauna na sa pagbabakuna.

Makabubuti aniya na hintayin na lang muna ng lahat ang buong report ng National Immunization Technical Advisory Group o NITAG na inaasahang maglalabas na rin ng resulta ng imbestigasyon nito. (CHRISTIAN DALE)

227

Related posts

Leave a Comment