DILG NAGBABALA SA PEKENG AYUDA

NAGBABALA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa publiko hinggil sa pekeng ayuda modus na ipinakakalat sa pamamagitan ng social media at text messages na nagsasabing maaaring makatanggap ng P5,000 hanggang P8,000 na ayuda ang mga residente sa pamamagitan ng pag-fill out ng barangay form at pagtawag o pag-text sa isang unverified mobile numbers.

Babala ng DILG, ang ipinakakalat na impormasyon ay mali at misleading. Tahasang inihayag ng kagawaran na walang ganoong direktiba na inilabas ang DILG.

Ang mobile numbers na nakatala sa mga ipinapaskil ay hindi official at hindi konektado sa alin mang lehitimong government program.

Ang Social Amelioration Program (SAP) ay tanging DSWD lamang ang nagpapatupad sa pamamagitan ng official, validated channels, na tinutulungan lamang ng DILG sa local monitoring at sa kasalukuyan ay walang ganitong programa ang aktibo, ayon sa kagawaran.

“The public is advised to be vigilant. Do not provide personal information or sign documents based on social media posts that are unverified. Misinformation such as this creates confusion and opens opportunities for exploitation, ayon pa sa paalalang inilabas ng tanggapan ni Secretary of the Interior and Local Government Jonvic Remulla.

Babala naman ni Sec. Remula sa mga nasa likod ng panibagong modus operandi: “Those who deliberately spread fake information or misuse the name of the DILG for fraudulent purposes will be subject to legal action under the Cybercrime Prevention Act and other applicable laws.”

(JESSE RUIZ)

81

Related posts

Leave a Comment