DIREK PEQUE GALLAGA, PUMANAW NA

PUMANAW na ang batikang direktor na si Peque Gallaga sa edad na 76.

Kinumpirma ito sa pahayag ng kapatid ng direktor na si Ricky Gallaga at manager na si June Rufino.

Una nang sinabi ng pamilya ng award-winning director na naospital si Gallaga kamakailan dahil sa iba’t ibang komplikasyon dulot ng mga dating health condition nito.

“He was a visionary director and artist; a loving husband, father, and grandfather; and a dear friend. He has brought so much joy to so many people and he will always live in our memories and in his art,” pahayag ng pamilya Gallaga.

Kaugnay nito, walang gaganaping funeral service bilang pagsunod sa umiiral na enhanced community quarantine protocols dahil sa COVID-19 pandemic.

“We are grateful for your thoughts, well-wishes, and prayers but we would appreciate some time to grieve as a family in private during this very painful time,” ayon pa sa pahayag ng pamilya.

Ilan sa mga pelikulang ginawa ni Gallaga na tumatak sa mga manonood ang Oro, Plata, Mata (1982); Scorpio Nights (1985); Virgin Forest (1985); Magic Temple (1996); at ilang episode ng Shake, Rattle, and Roll.

Kilala ring screenwriter at aktor si Gallaga na isinilang sa Bacolod.

Kabilang sa mga tinanggap niyang parangal ay mula sa International Film Festival of Flanders-Ghent, at Manila International Film Festival.

Nagwagi rin siya kasama si Laida Lim-Pérez sa Best Production Design sa pelikula ni Eddie Romero na “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon” noong 1976 Gawad Urian awards at kinilala rin sa Best Production Design ng pelikula ni Ishmael Bernal na “City After Dark” noong 1980.

206

Related posts

Leave a Comment