DISKARTE NG DOLE SA PAGBIBIGAY NG AYUDA IPINAGAGAYA SA DSWD

IMINUNGKAHI ng isang mambabatas mula sa mababang kapulungan ng Kongreso na gayahin ng Department of Social Welfare and Development ang paraan ng Department of Labor and Employment sa pagmamahagi ng ayuda.

Ayon kay Bagong Henerasyon (BH) party-list Representative Bernadette Herrera, epektibo ang pamamaraan ng DOLE sa pagbibigay ng tulong sa mga nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 na tinawag na COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) na idinadaan sa mga money transfer outlet.

Binanggit ni Rep. Herrera na kung ang DSWD ay dadaanin din ang pamamahagi ng SAP sa mga money transfer ay makatitiyak ang mga ito na ang makatatanggap ng tulong ay iyong tunay na may pangalan na padadalhan dahil sa Know Your Customer (KYC) na protocol ng bawat money transfer na tiyaking sa tamang tao nila binigay yung pera.

Kasabay nito ay nakiusap ang mambabatas sa Department of Finance na ngayong paubos na ang P1.6 bilyon na pondo ng DOLE para sa ayuda ay bigyan muli ito ng pondo nang mas marami pang manggagawa ang matulungan agad.

Base sa report na nakalap ng BH party list mula sa DOLE, sa pamamagitan ng money transfer outlets, nakarating ang one-time P5,000 assistance sa 236,412 workers ng 10,663 establishments at umabot ang total cash disbursements sa P1.2 billion, habang 85,563 workers pa ang mapadadalhan ng ayuda sa mga darating na araw. CESAR BARQUILLA

248

Related posts

Leave a Comment